Connect with us

Aklan News

Drug surrenderer na top priority target ng APPO at kanyang nobya, arestado sa buy bust ops sa Kalibo

Published

on

Iyak ng iyak sa kulungan ang isang babaeng nahuli sa buy bust operation ng mga kapulisan kasama ang kanyang kasintahang drug surrenderer kaninang madaling araw sa Bakhaw Sur, Kalibo.

Tagumpay na naaresto ng mga kapulisan ang subject na si Marisse Franco, 33 anyos na top priority target ng Aklan Police Provincial Office at ang kanyang kasintahan na si Mary Laika Chin Jeresa, 25, tubong Dao, Capiz.

Nakuha sa dalawa ang pitong sachet ng shabu at P15, 000 na buy bust money.

Bukod sa P15,000, nakuha rin ng pulisya sa kanila ang dalawang cp, motor at iba pang cash.

Sa panayam ng Radyo Todo kay Franco, inamin niya na dati siyang nag-engage sa droga pero tumigil na umano siya sa illegal na gawain.

Iginiit rin nito na walang kasalanan ang kanyang partner at nadamay lang ito sa kanya.

Todo tanggi rin si Jeresa at dumepensa na sinundo lang siya ni Franco mula sa kanyang trabaho.

Mahaharap ang dalawa sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022.