Connect with us

Aklan News

DRY RUN NG RE-ROUTING AT PAY PARKING, SISIMULAN NA NGAYONG ARAW

Published

on

KALIBO, Aklan – Aarangkada na ngayong araw ang dry run ng re-routing at pay parking sa kabisera ng Aklan. Ayon sa kay Mayor Emerson Lachica, dahil dry run pa lamang ay hindi muna manghuhuli ang mga otoridad sa mga lalabag dito maliban na lang kung may iba pang bayolasyon sa batas trapiko.

Ang pinal na desisyon kaugnay sa re-routing ay nakadepende sa magiging resulta ng dry run.

Naudlot ang implementasyon ng re-routing nitong nakaraang taon dahil sa pandemya at hiling ng mga Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) Presidents sa LGU.

Inaasahan ng Sangguniang Bayan ng Kalibo na malaki ang maitutulong ng re-routing sa pagpapagaan ng sistema ng trapiko sa kabisera ng Aklan dahil sa unti-unting pagdami ng mga tao at sasakyan.

Samantala, magsisimula ang pagpapatupad ng Pay Parking alas-7:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng hapon habang alas-9:00 ng gabi hanggang ala-5:00 ng umaga naman ang Overnight Parking, Lunes hanggang Linggo.

Layon naman ng Pay Parking na maibsan ang pag parking ng mga sasakyan malapit sa mga pangunahing kalsada sa Kalibo at maisaayos ang night parking o overnight parking para makatulong sa nationwide curfew.