Aklan News
DSWD, NAGBIGAY NG FINANCIAL ASSISTANCE SA MGA ORGANISASYONG APEKTADO SA NAG-DAANG BORACAY CLOSURE
Malay – Pinanguhan ng LGU Malay ang pagbibigay ng financial assistance sa mga organisasyong naapektuhan sa anim (6) na buwang pagsara ng Boracay alas 9 kaninang umaga sa Malay covered court.
Umaabot sa P7, 921, 340 ang kabuuang ibinigay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) bilang livelihood assistance.
Ang nasabing tulong ay ipinamahagi sa walong (8) organisasyon sa Malay na kinabibilangan ng Boracay Land and Sea Port Boat Transport Assn., Inc., Boracay Malay Sea and Land Haulers Multi-purpose Coop., Caticlan-Boracay Motorboat Multi-purpose Coop., Caticlan Port Vendors Multi-purpose Coop., Kalipunan ng Maliliit na Magniniyog ng Napaan Multi-purpose Coop. (KAMMANA MPC), Malay-Boracay Vendors, Peddlers, Masseurs, Manicurists Assn., Inc., Masboi Sailboat Multi-purpose Coop, at Matoda Transport Multi-purpose Coop.
Dinaluhan ang naturang programa nina DSWD Undersecretary Allan Jay Yambao, Aklan 2nd District Cong. Teodorico Haresco, Jr., Aklan Gov. Florencio Miraflores at Malay Acting Mayor Hon. Frolibar Bautista.