Aklan News
DSWD6: PENSION NG SENIOR CITIZENS, DAPAT IBIGAY KAHIT HINDI SILA BAKUNADO
Kinumpirma ng DSWD6 na hindi required ang bakuna kontra COVID-19 para makakuha ng social pension ang mga senior citizens kada tatlong buwan.
Sa panayam ng Radyo Todo kay DSWD6 Social Welfare Officer II Mariecar Labinghisa, sinabi niya na walang guidelines na nagsasabing hindi bibigyan ng pension ang mga senior citizens na hindi bakunado.
“Wala kami sang guidelines nga nagapahanugot nga indi paghatagan sang social pension ang aton nga mga senior citizens kung indi sila vaccinated, mandato sang aton nga guidelines nga ihatag ang pension sang aton nga mga tigulang kada quarter.
“Buot silingon, bisan indi vaccinated ang aton nga mga tigulang makabaton sila sang ila nga pension,” saad ni Labinghisa.
Aniya pa, ang kailangan lang para makakuha ng pay-out ang mga social pensioner ay isang valid ID at photocopy ng valid ID ng mga ito.
“Wala kita naga require sa mga senior naton nga dapat vaccinated gid, ang aton lang nga ginapangayo during sang pay-out is magpresentar sila sang ila nga valid nga ID ag photocopy sang ID,” lahad pa niya.
Aniya nirerespeto nila ang mga Executive Order na ipinatutupad ng mga local executives ng bawat bayan pero humihingi ito ng konsiderasyon na ibigay sa mga senior citizens ang kanilang pension dahil hindi naman ito bahagi ng guidelines.
Kaparte rin aniya ng kanilang adbokasiya na mabakunahan ang mga senior citizens laban sa COVID pero hindi kailangan na pilitin ang mga ito.
Sa ngayon, nakikipag-ugnayan na sila sa mga target LGU’s na uumpisahan nilang mag-pay out sa unang quarter ng taon.
Aniya pa, sakaling naka-lockdown ang isang lugar, ang mga taga DSWD mismo ang pupunta sa bahay ng mga senior citizens para ipaabot ang kanilang pension. MAS/RT