Connect with us

Aklan News

DSWD6 PINABULAANAN ANG POLISIYANG DAPAT MUNANG MAY MAMATAY NA SENIOR CITIZEN BAGO MAKAPASOK SA SOCIAL PENSION ANG MGA KAKATUNGTONG LANG NG 60

Published

on

SOCIAL PENSION BENEFIT NG MGA SENIOR CITIZEN QUARTERLY NA NILANG MATATANGGAP SA HALIP NA KADA-ANIM NA BUWAN
File Photo: April Mae Zaulda/Radyo Todo Aklan

Pinabulaanan ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) 6 spokesperson May Rago Castillo na may polisiya ang ahensya na dapat munang may mamatay na senior citizen bago makapasok sa social pension ang ibang senior citizen na kakatungtong lang sa edad na 60.

Sa panayam ng Radyo Todo, sinabi ni Castillo na hindi naman tama na sabihin na dapat munang may mamatay na matatanda bago makapasok sa social pension ang iba.

Paglilinaw niya, “replacement mechanism” ang kanilang ipinatutupad dahil kulang o wala pang pondo ang ahensya para sa mga bago o kakatungtong lang sa edad na 60.

“We are dependent sa availability sang slot kag availability of fund kay te, with every additional na pensioner nga ginadugang that also comes with a funding requirement, but to say nga nagahulat lang sang may ara mamatay and makasulod, I think it is entirely erroneous man to say that kay may ara man kita sang replacement mechanism,” saad ni Castillo.

Ayon kay Castillo, marami pang ibang paraan para magkaroon ng replacement gaya nang kapag may lumipat na residente sa ibang lugar o kapag nagkaroon nga evaluation at nakitang hindi na indigent ang isang senior citizen o napag-alaman na pensioner ito ng SSS o GSIS.

Isa lang aniya ang pagkamatay sa paraan para magkaroon ng bakanteng slot sa social pension pero hindi lang ito ang paraan.

Pwede rin daw na makakuha ng slot ang iba kapag nadagdagan na ang pondo ng ahensya para sa social pension.

Ipinaliwanag din ni Castillo na walang fixed na slot na naka-allocate sa bawat barangay.

Nakadepende umano ang slot sa bilang ng mga eligible seniors sa kada LGU noong kakasimula palang ng social pension.

“The number that we are having now, that actually came from the submissions man sang local government unit as to the number sang mga indigent senior citizens ng na cover of course that’s already subjected to the validation of the DSWD,” aniya pa.

Sinabi rin ni Castillo na ang mga senior citizen na maaaring maka-avail ng social pension ng DSWD ay ang mga hindi tumatanggap ng regular na suporta sa kanilang kaanak, walang SSS o GSIS at prayoridad nila ang may mga sakit, mahina at PWD. MAS/RT