Aklan News
DSWD6 target na matapos ang pamimigay ng social pension bago matapos ang Disyembre
Target ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na tapusin ang pamamahagi ng social pension ng mga senior citizens sa buong Western Visayas bago matapos ang Disyembre.
Ayon kay DSWD VI Spokesperson Atty. May Castillo, naabot na nila ang 91% sa pagrelease ng social pension sa buong rehiyon.
“As to the data on social pension, we are already on the 91%, 91% ang aton nga total releasing sa bilog nga Region VI and we are targeting to complete the releasing of the social pension fund by the end of December,”
Sa Aklan naman, 68% nang tapos ang pamamahagi ng pension sa mga lolo at lolang benepisyaryo at 100% nang naipamigay ang sa bayan ng Malay.
Ang natitirang mga lugar na nakatakdang mag-release ng social pension ay ang mga bayan ng Makato, Numancia, Tangalan at Kalibo.
Samantala, ang kabuuang bilang ng mga aktibong senior citizens na nakatatangga ng social pension sa buong Aklan ay nasa 46,148 na pinondohan ng 69,222,000.
Masaya ring ibinalita ni Atty. Castillo na magdadagdag sila ng slots sa social pension program para mas marami ang mga mahihirap o indigent senior citizens ang matulungan ng programa.