Connect with us

Aklan News

DTI-Aklan, Nagbabala sa mga lalabag sa Price Freeze sa mga Pangunahing Bilihin

Published

on

Regular na minomonitor ngayon ng DTI ang buong probinsya ng Aklan na may kinalaman sa presyo ng mga pangunahing bilihin.

Sa pamamagitan ng Negosyo Center sa ibat-ibang bayan sa Aklan mahigit isang daang establisyemento ang regular na binabantayan.

Kabilang sa pangunahing bilihin ang mga delata, noodles, tinapay, kape, tubig, sabon, gatas at iba pa.

Alinsunod ito sa Proclamation No.922 noong March 8,2020 nag-deklara si Pangulong Duterte ng “State of Public Health Emergency” kasabay nito nagpatupad rin ng Price Freeze sa lahat ng mga pangunahing produkto ang Department of Trade and Industry (DTI).

Sa ilalim ng Republic Act 7581 o the Price Act kung ang bansa ay nasa ilalim ng state of calamity ibig sabihin ang mga pangunahing bilihin ay bawal magtaas ng presyo.

Ang mga lalabag o mahuhuli ay maaring makulong ng isang taon o mahigit at may penalidad na mula limang libo o 5,000- 1,000,000.00 o isang million.