Aklan News
DTI Aklan, naglabas ng 2024 Noche Bueana price guide
Naglabas ang Department of Trade and Industry (DTI) – Aklan ng 2024 Noche Buena Price Guide ngayong papalapit na ang holiday season.
Batay sa DTI- Aklan, kasama sa price guide na imomonitor ng DTI ang ham, keso de bola, fruit cocktail, cheese, sandwich spread, all purpose cream, mayonnaise, pasta, elbow macaroni, salad macaroni, spaghetti sauce at tomato sauce.
Karamihan umano sa mga nabanggit na produkto ay tumaas ang presyo kumpara sa nakaraang taon dahil nagsitaasan din ang mga ginagamit na raw materials at packaging ng mga ito na nakakaapekto sa presyo ng produksyon ng mga manufacturers.
Pero nilinaw ng DTI na hindi naman lahat ay tumaas dahil may mga brand ng mayonnaise, pasta, elbow and salad macaroni at all-purpose cream na bumaba ang presyo.
Magiging epektibo umano ang price guide mula November 15, 2024 hanggang December 31, 2024 o Media Noche.