Connect with us

Aklan News

DTI-Aklan naglabas ng price guide sa mga school supplies

Published

on

PHOTO: DTI-Aklan

Naglabas ang Department of Trade and Industry (DTI) Aklan ng “Gabay sa Pamimili ng School Supplies” para sa School Year 2024-2025 bilang paghahanda sa pagbubukas ng klase sa July 29.

Ang price guide ay magagamit bilang reference ng mga mamimili sa pagbili ng mga basic school supplies kasama ang mga brand ng notebook, papel, lapis, ballpen, krayola, pambura pantasa at rulers.

Nagpaalala rin ang DTI-Aklan sa publiko na maging mapanuri sa pagbili ng school supplies at busisiin ang mga label, trademark at brand name, ilang linggo bago ang opisyal na pasukan sa July 29.

Nagsagawa na rin umano ang DTI-Aklan ng price monitoring para masiguro na nasusunod ang price guide.

Nasa 15 establisyemento sa Kalibo ang namonitor ng Consumer Protection Unit (CPU) nitong Hulyo 5 na nakitang sumusunod sa mga inirekomendang presyo.