Connect with us

Aklan News

DTI Aklan, naka monitor sa presyo ng medical supplies bunsod ng pagtaas ng demand dahil sa COVID-19

Published

on

Kalibo, Aklan – Patuloy ngayon ang ginagawang monitoring ng Department of Trade and Industry Aklan (DTI-Aklan) sa mga ibinebentang medical supplies sa probinsya bunsod ng pagtaas ng demand dahil sa banta ng COVID-19.

Sa isang panayam sinabi ni Provincial Director Ma. Carmen Ituralde ng DTI – Aklan na isa ito sa hakbang para matulungan ang Department of Health sa pag monitor ng mga negosyanteng mapang-abuso.

Pinaalala si Ituralde sa mga negosyante na tumalima sa umiiral na price freeze ng mga pangunahing bilihin lalo na sa mga medical supplies gaya ng face mask at alcohol ngayong kasagsagan ng krisis.

Ayon kay Ituralde, may mga kaukulang parusa ang hindi susunod sa Price Act o Republic Act 7581.

Naglabas na rin ng kautusan ang DTI sa lahat ng mga retailers na ipatupad ang striktong implementasyon ng “Two (2) Bottles per Transaction Policy” sa lahat n alcohol, hand sanitizers, at iba pang disinfectants.

Ipinatupad ng DTI ang price freeze sa lahat ng pangunahing bilihin kasunod ng deklarasyon ng state of public health emergency dahil sa COVID-19 na mayroong bisa sa 60 araw.