Aklan News
Dump truck at 2 traysikel, nabangga ng 10-wheeler truck, maglola sugatan
Dalawa ang sugatan matapos aksidenteng mabangga ng 10 wheeler truck ang isang dump truck at 2 traysikel mag-aalas 11:00 kaninang tanghali sa ginagawang kalsada sa Aranas, Balete.
Nakilala ang maglolang biktima na sina Jessie Matias, 62 anyos, at ang apo nitong driver ng traysikel na si Rico James Rebuelta, 20 anyos ng Napti, Batan, habang nakilala naman ang driver ng 10-wheeler truck na si Rodel Unating, 36 anyos ng Mianay, Ivisan, Capiz.
Base sa imbestigasyon ng Balete PNP, naka full stop noon ang mga nabanggit na sasakyan at traysikel na papuntang Kalibo nang mabangga ng 10-wheeler truck.
Nasa ‘Go’ signal na umano noon ang truck na minamaneho ni Unating, rason na umarangkada na ito.
Subalit sinasabing nag-lock umano ang manibela ng truck at binangga nito una ang mini dump truck, ang nakasunod ditong topdown traysikel, at ang traysikel naman ng maglola.
Sanhi nito, nagtamo ng sugat sa kani-kanilang katawan ang maglola na kaagad ding dinala sa pribadong ospital. Pansamantala namang ikinustodiya ng Balete PNP station ang driver na si Unating para sa karampatang disposisyon.