Connect with us

Aklan News

Dump truck dumausdos sa kalsada, pahinante nabalian

Published

on

Dump truck dumausdos sa kalsada, pahinante nabalian

Nagtamo ng bali sa tuhod ang pahinante ng isang truck matapos na tumagilid sa bahagi ng Brgy. Sigcay, Banga alas-4:30 nitong Miyerkules.

Batay sa report, may karga umanong buhangin ang naturang truck na mula sa bayan ng Banga at idedeliver sana sa Libacao.

Ngunit nang mapadaan umano sa pataas na bahagi ng kalsada ay biglang dumausdos ang sasakyan kaya’t nakabig ng driver ang manibela at lumusot sa kanal.

Napag-alaman na dalawang pahinante ang sakay sa likuran ng truck at ang isa rito ang 20-anyos na umano’y tumalon nang mangyari ang aksidente dahilan na magtamo ito ng bali sa tuhod.

Dinala pa umano ang biktima sa bahay ng kaniyang amo ngunit kalauna’y isinugod rin sa isang pribadong ospital kung saan ito ngayon naka-confine.

Samantala, ligtas naman ang driver at ang iba pang pahinante.