Connect with us

Aklan News

E-TRIKE DRIVERS NA TUMATANGGI AT PUMIPILI NG PASAHERO SA BORACAY, PAGMUMULTAHIN AT MAAARING MA-DISKWALIPIKA BILANG PUV DRIVERS

Published

on

File Photo: Mary Ann Solis/Radyo Todo Aklan

MAAARING ma-diskwalipika at pagmultahin ang mga draybers ng e-trike na namimili at tumatanggi ng pasahero lalo na sa mga local residents sa isla ng Boracay.

Ito ay sa ilalim ng ipinasang ordinansa ni Malay Sangguniang Bayan member Dante Pagsuguiron upang matugunan ang naturang isyu at problema may kaugnayan dito.

Sa panayam ng Radyo Todo kay Malay SB member Pagsuguiron, sinabi nito na mayroon talagang mga e-trike drivers ang tumatanggi at pumipili ng pasahero dahil marami na aniyang reklamong natatanggap ang kaniyang opisina.

Dahil dito, sa ilalim ng kanyang ipinasang ordinansa, kapag umabot sa tatlong bayolasyon ang isang drayber ay papatawan nila ito ng kaukulang penalidad at maaaring maidisqualify at hindi na papayagang makapagmaneho bilang isang PUV driver sa isla ng Boracay.

Saad pa ni Pagsuguiron na kulang lamang sa implementasyon kaya’t may ilang mga draybers ang gumagawa nito.

Dagdag pa nito na kailangan rin na magkaroon ng massive implementation at monitoring ang Malay Transportation Office katuwang ang Boracay Land Transport Multi-Purpose Cooperative.

Kaugnay nito, ipapatawag nila sa Sangguniang Bayan ang iba’t-ibang ahensiya may kaugnayan dito upang mas mabigyan ng tamang aksyon ang naturang problema sa isla ng Boracay lalo na ngayong unti-unti nang nakakabangon ang industriyang tursimo matapos maapektuhan ng COVID-19 pandemic.