Connect with us

Aklan News

E-trike program sa Boracay, palpak ayon sa BLTMPC

Published

on

Itinuturing na isang “total failure” o palpak ng Boracay Land and Transportation Multipurpose Cooperative (BLTMPC) ang E-trike program sa isla ng Boracay.

Ayon kay BLTMPC chair Joel Gelito, maliban sa mahal ang cost ng modernisasyong ito ay tadtad rin sila ng reklamo mula sa riding public kaugnay sa mga E-trikes.

“Ang kabilugan sang programa sang etrike, masyadong… tama man nang hambal sa iban nga modernization pero pati ang pagbayad kag pagrenta, battery kag charging puro modern man, buot silingon mahae man.”

Noon ay nasa 500 degasolinang traysikel ang nagbibiyahe sa isla pero ngayong ay halos hindi umaabot sa 200 ang mga E-trikes na umiikot sa isla.

Idiniin pa ni Gelito na biktima rin sila ng modernisasyon, nangutang sila ng P5 milyon sa bangko para makabili ng 20 units ng E-trike na hindi naman nagamit dahil hindi pinayagan ng LGU na bumiyahe.

Napending lang aniya ang mga E-trikes at nabulok.

“Ang E-trike sa Boracay daw sistema demonyo ini nga salakyan daw waay sing kalipayan ag kwan kag kami ang naigo.”

Dahil dito, gusto ngayon ng ilang mga E-trike drivers sa Boracay na ibalik na lang ang paggamit ng mga de gasolinang traysikel.