Connect with us

Aklan News

Emergency response ng MDRRMO-Kalibo, suspendido muna

Published

on

SUSPENDIDO muna ang emergency response ng Municipal Disaster Risk Reduction Managent (MDRRMO) Kalibo simula alas-5:00 ng hapon sa Hunyo a-30.

Ito ay dahil sa transition ng administrasyon ni Mayor Emerson Lachica papunta sa administrasyon ni Mayor-elect Juris Sucro kung saan ang kontrata ng Job Order employee ng MDRRMO-Kalibo ay magtatapos na rin sa nasabing araw.

Dahil dito, hindi muna makakapagresponde ang kanilang opisina lalo na sa mga emergency gaya ng aksidente sa kalsada at search and rescue operations

Umaasa naman ang pamunuan ng MDRRMO-Kalibo na sa pagpasok administrasyon ni Mayor-elect Sucro ay pagbibigyan-pansin nito ang recruitment ng mga kwalipikadong empleyado.

Samantala, simula June 30, maaari munang tumawag sa mga numero ng PDRRMO sa 268-2168 o 268-7420 o 09999246939 para sa mga nangangailangan ng emergency response.