Connect with us

Aklan News

EMPLEYADO NG BOMBO RADYO KALIBO, NAKA-ICU MATAPOS MAAKSIDENTE

Published

on

Sugatan at kasalukuyang ginagamot sa ospital si Bombo Daniel Tonel, 49 anyos ng Tayhawan, Lezo matapos maaksidente bandang alas 10:00 kagabi sa highway ng Laguinbanwa, East, Numancia.

Base sa imbestigasyon ng Numancia PNP, papunta sa direksyon ng Numancia si Tonel nang bumangga umano ito sa mga nakasakong buhangin na inilagay ng Phil Fiber Optic Cable Netwok Ltd.,sa palibot ng kanilang hukay sa kalsada.

Kasunod nito, sinasabing bumaliktad ang minamanehong traysikel ni Tonel at naipit umano ang kanyang paa.

Kaagad naman siyang dinala sa ospital ng mga taga MDRRMO Numancia habang naiwan sa lugar ang kanyang traysikel dahil sa pinsalang tinamo nito.

Samantala, lumalabas pa sa imbestigasyon ng Numancia PNP na malabo ang ilaw ng solar light na inilagay sa lugar, habang isinisi naman ng ilang commuters at biyaherong napapadaan sa lugar ang palpak umanong warning device na inilagay ng Phil Fiber doon.

Kaugnay nito, sinabi naman ni DPWH District Engineer Alejandro Ventilacion na ipapa inspeksyon nito ang lugar at ipapatawag ang mga taga Phil.Fiber Cable Network LTD kaugnay ng nasabing insidente.

Continue Reading