Aklan News
Empleyado ng LGU Malay, pinagbabaril-patay mismo sa kaniyang bahay
Patay ang babaeng empleyado ng LGU Malay matapos pagbabarilin sa ulo sa harap ng kaniyang anak sa mismong bahay nito sa Sambiray, Malay.
Kinilala ang biktima na si Analiza Torres at nagtatrabaho sa assessor’s office ng LGU.
Sa panayam ng Radyo Todo kay Alfredo Escaño, ama ng biktima, nakarinig umano siya ng apat na putok ng baril habang naka-upo sa labas ng kanyang tindahan may 12 metro ang layo mula sa bahay ni Torres.
Aniya pa, madilim na at medyo malabo na ang kanyang mata kaya hindi niya namukhaan ang gunman.
Nakasuot umano ito ng facemask kung saan matapos magawa ang krimen ay kaagad itong lumabas ng bahay, nagsuot ng helmet sabay patakbo ng kanyang motorsiklo.
Nagpapatuloy pa sa ngayon ang imbestigasyon ng mga kapulisan sa nangyaring krimen