Connect with us

Aklan News

Empleyado ng ospital, binantaang babarilin ni Linabuan, Norte captain Repiedad

Published

on

NAGPASAKLOLO sa Radyo Todo ang isang empleyado ng Aklan Provincial Hospital matapos bantaang babarilin ni Liga ng mga Barangay President at Linabuan Norte Punong Barangay Nelson Repiedad.

Kwento ng nagrereklamong si Charnie Santos, 23-anyos at residente ng barangay Linabuan Norte, Kalibo,  hindi na siya nakatulog kagabi dahil sa takot na baka totohanin ng kanilang kapitan ang bantang babarilin siya.

Aniya, nangyari ito kahapon, Mayo a-31 kung saan pagkababa niya sa traysikel ay tinawag siya ni Repiedad at tinanong kung saan siya nagtatrabaho.

Sinagot naman umano niya si kapitan na sa ospital ngunit tinanong pa nito kung saang floor at kung sino ang nagpapasok sa kanya sa ospital dahil hindi aniya siya dumaan kay Repiedad para kumuha ng recommendation letter.

Pagkatapos nito ay umalis na siya pauwi subalit tinawag siyang muli ni kapitan at sinabihang, “balik iya, kadasig ka gid-a magtikang, barilon ko ing siki ngaron.”

Dahil dito ay natakot si Santos at hindi niya maisip kung ano ang kanyang nagawang mali dahilan para pagbantaan siya ng kanilang punong barangay na babarilin.

“Owa man ako it gin-obra nga saea kana kara, barilon na ta kuno ako,” ani Santos.

Pahayag pa ni Santos na nakapasok siya sa ospital bilang Job Order employee kahit hindi siya dumaan sa kanilang kapitan.

Aniya, kahit residente siya ng Linabuan Norte, Kalibo ay nakakuha siya ng recommendation at endorsement mula sa Banga kung kaya’t nakapasok siya sa trabaho.

Bago nito ay humingi siya kay Repiedad ng endorsement letter ngunit hindi siya nito binigyan.

“Idto ta ako nangayo dahil indi ta ngani magtao si Bimboy kamon it recommendation dahil ro ana tang gusto hay imaw ta gapasueod. Hinambaean na ngani ako karon nga ako kimo mapasueod pero kung magkontra partido ka hay tangtanggon ta ikaw una,” wika ni Santos.

“Lunes ngaron hay nagpangayo ako kana it recommendation hay hambae nana kakon hay sunod lang mana nga adlaw ay masako ako makaron, duyon ro anang sabat it una. Tapos nagbalik ako idto it Martes, hay indi euman imaw magtao it recommendation. Pilang balik ta ako sa barangay, pag-abot it Miyerkules hato eon rayon ro anang hinambae kakon, Ham-an gadali ka gid, ako ta kinyo gatao it recommendation, ako ta ngani kinyo gapasueod, hueat-hueat lang kamo. Ruyon ta anang hambae kakon,” pagtutuloy nito.

Sa katunayan aniya ay noong Abril pa siya humihingi kay kapitan Repiedad ng nasabing recommendation letter ngunit hindi siya nito binigyan kung kaya’t naghanap na lamang siya ng ibang paraan upang makapasok ng trabaho dahil kailangan niya ng pantustos para sa kanyang anak.

Binigyan-diin ni Santos na nirerespeto niya ang kanilang punong barangay at wala siyang balak na siraan ito ngunit hindi niya lang lubos maisip na pagbabantaan siya nito.

Kaugnay nito, inireport na ni Santos sa pulisya ang nangyaring pambabanta para sa kanyang seguridad.