Connect with us

Aklan News

ENGKWENTRO SA PAGITAN NG MGA MILITAR AT REBELDENG GRUPO, ISA ANG PATAY

Published

on

Isang babae ang namatay sa panig ng mga rebelde sa nangyaring engkwentro sa pagitan ng mga militar at rebeldeng grupo pasado alas 2 ng hapon noong Byernes, Abril 1.

Ayon sa nakuhang impormasyon ng Radyo Todo nangyari ang engkwentro sa So. Maytaraw, Brgy. Dalagsaan, Libacao kung saan tumagal umano ng 15 minuto ang palitan ng putok ng magkabilang grupo.

Nangyari umano ito habang nagsasagawa ng combat operations ang mga grupo ng Division Reconaissance Company sa ilalim ng 12IB sa pamumuno nina 1Lt. Gumimba at 2Lt. Bugaay sa lugar kung saan nakalaban nila ang humigit-kumulang 5 teroristang grupo.

Sa kabila nito, walang naiulat na may nasugatan o namatay sa panig ng mga militar.

Kasama sa mga narekober ng mga militar ang 1- 12 gauge shotgun, 3- live ammos at basyo ng bala at isang malaking backpack.

Patuloy pang nagsasagawa ng intelligence monitoring ang mga intel operatives habang inalerto na rin ang mga municipal police stations para magsagawa rin ng checkpoints.

Continue Reading