Aklan News
Engr. Andro Macabales sinagot ang isyu hinggil sa umano’y pagka-antala ng kanilang proyekto sa Caano Elementary School
SINAGOT ni Engr. Andro Macabales ang isyu hinggil sa umano’y pagkaantala ng kanilang construction project sa Caano Elementary School.
Sa panayam ng Radyo Todo kay Macabales, inihayag nito na minor problem lamang ito dahil ang kulang na lamang sa nasabing construction project ay mga bintana.
Aniya pa, dapat tapos na ito subalit hindi pa nakukumpleto ng nagsub-construction sa kanya ang pagkakabit ng mga bintana.
“Actually minor problem malang ngani ron. Sa kamatuoran, ruyon nga project ngaron hay dapat kan-o pat-a ron natapos… ro problema malang hay ro bintana ngato nga may pilang bilog nga owa nana hi-kumpleto dahil ginsub-con man abi katon ron,” pahayag nito.
“Pagkatapos duyon ngaron nga bintana, hay may nag-adto katon nga imaw lang ro mag-subcon man kakon. Hay nagkasugot kami ag ro amount ku bilog ngaron nga kontrata ku ruyon ngaron nga bintana hay P95,000,” dagdag pa ni Macabales.
Saad pa ni Engr. Macabales na nakapagbigay na siya ng P70,000 sa nagpresentang sub-contractor sa kanya ngunit hanggang ngayon ay hindi pa nito natatapos ang pagkakabit ng naturang bintana.
Dagdag pa nito na nais na niyang matapos ang nasabing construction project upang magamit na ng naturang paaralan.
Sa katunayan ayon kay Macabales ay sub-contractor lamang siya dahil ang orihinal na contractor nito si Engr. Abbie Pastrana ng Pastrana Construction.
“Ro original nga contractor hay Pastrana Construction, [si Engr. Abie Pastrana] ako ro sub-contractor,” paliwanag nito./SM