Aklan News
Enhanced Community Quarantine sa Aklan, posibleng magtapos sa Abril 30
Dahil sa paggaling ng 5 COVID-19 patients sa Aklan, nagpaplano na ang Provincial Government na wakasan ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) ngayong Abril 30 at mula rito ay magiging Modified Community Quarantine (MDQ) nalang.
Sa ilalim ng MDQ, maaari nang magbukas ang ilang negosyo sa lalawigan, pagbalik ng transportasyon at ibang serbisyo ngunit mayroon pang mga limitasyon.
Kahit naka MDQ na sa lalawigan ay dapat pa rin umanong ipatupad ang social distancing, pagsuot ng facemask, liquor ban, curfew at patuloy na checkpoint sa border control.
Nakatakda pang magpulong ang Inter Agency Task Forcce at Health Officials katuwang ang alkalde para pag-usapan ang nasabing usapin.
Magpapalabas Executive Order ang lokal na pamahalaan sa darating na Lunes para sa kanilang magiging kabuuang desisyon.