Aklan News
ENROLLEES SA AKLAN, UMABOT NA SA 98 PERCENT/ DEP-ED AKLAN
Nasa 98 percent na ang mga estudyanteng nagpa-enrol sa lahat ng mga pampublikong paaralan sa Aklan sa pagbubukas ng klase sa S.Y 2020-2021 sa Agosto 24.
Sa pakikipanayam ng Radyo Todo kay Dr. Miguel Mac Aposin, Aklan Schools Division Superintendent, sinabi nitong sa gitna ng krisis ay marami paring mga magulang ang nagbigay ng kooperasyon.
Lumalabas sa survey na marami ang gustong Distance Learning Modules ang gamitin, para maiwasan ang face to face learning.
Kasama na rito ang pag-gamit ng printed modules kung saan doon sasagot ang mga estudyante at maari ring ilagay sa universal serial bus (USB) para sa may mga gamit sa bahay.
Magsasagawa rin anya ng mga orientation para sa magulang kung paano ang proseso ng pagkuha at paghatid ng mga modules.
Kung may mga katanungan naman ang mga estudyante maari rin silang tumawag sa kanilang mga guro upang masagot ito.
Anya mas mahihirapan ang mga magulang at estudyante kung susundin ang proseso gamit ang internet, lalong lalo na ang mga walang gadgets pati na ang nasa mga malalayong lugar.
Ipinapaabot din niya sa mga Barangay Officials, SK Officials na kung maari ay tumulong ito.
Pati narin ang mga retired teachers sa lugar ay humihingi din siya ng tulong upang maturuan ang mga estudyante.
“More on the voluntary side lang” anya.
Lahat tayo anya ay bago sa ganitong sitwasyo kung kaya’t magtulungan na lamang.
Ipinapaabot din ni Aposin na maging responsable sa edukasyon at matapat sa pagsagot sa mga katanungan.