Connect with us

Aklan News

Estudyante binaril sa Numancia Integrated School sa gitna ng Teacher’s Day celebration

Published

on

Isinugod sa ospital ang isang 19 anyos na estudyante ng ALS matapos pagbabarilin sa Numancia Integrated School sa gitna ng Teacher’s Day celebration ngayong Martes ng umaga.

Sinasabing nagtamo ng siyam na tama ng pamamaril sa may tagiliran ang biktimang residente ng Brgy. Bulwang, Numancia.

Nangyari ang insidente habang recess batay sa isang estudyanteng nakasaksi.

Nagkasalubong umano ang biktima at grupo ng mga suspek kung saan bigla na lang bumunot ng 12 gauge homemade shotgun ang isa sa kanila saka binaril ang biktima.

Sinubukan pa ng mga ito na tumakas at dumaan sa pader pero agad rin silang nahuli sa tulong ng guwardiya ng paaralan.

Napag-alaman na menor de edad pa ang mga itinuturong suspek at nasa kustodiya na sila ngayon ng Numancia PNP.

Samantala, pansamantala munang sinuspende ang klase sa nasabing paaralan. |with reports from Kiervy Revesencio