Aklan News
Estudyante, naospital matapos mahagip ng kotse


Kasalukuyang nagpapagaling sa pagamutan ang isang first year student ng Aklan State University makaraang aksidenteng mahagip ng sasakyan sa Banga.
Kinilala ang biktimang si Andliah Joy Guarino, 17 anyos ng Brgy. Cortes, Balete.
Batay sa ulat, pauwi na sa boarding house ang biktima dakong alas-4:00 kahapon nang mangyari ang aksidente.
Sinasabing biglang tumawid sa kalsada ang biktima matapos bumaba sa traysikel dahil sa sobrang lakas ng ulan.
Madilim at hindi rin siya napansin ng driver kaya nahagip ang biktima.
Tinulungan naman ng nakabangga ang biktima at dinala sa ospital.
Nagtamo ng pinsala sa ulo, leeg, likod at iba pang parte ng katawan ang biktima na confined ngayon sa surgical ward ng Aklan Provincial Hospital.
Continue Reading