Connect with us

Aklan News

Evacuation center sa Tigayon, gagawing Ligtas COVID-19 Facility

Published

on

Dahil sa dami ng mga umuuwing Locally Stranded Individual (LSI), gagawin na munang pansamantalang Ligtas COVID-19 Facility ang evacuation center sa Tigayon ayon kay Kalibo Mayor Emerson Lachica.

Nagsagawa umano ng pagpupulong ang finance committee noong nakaraang Huwebes para pag-usapan ang budget na ilalatag sa planong pag-convert ng evacuation center sa COVID facility.

Naglaan umano sila ng nasa P8 milyong budget para sa construction at installation ng mga transformers sa pasilidad upang magamit na ito.

Ayon pa sa alkalde, pinayagan na nila ang home quarantine sa ilang mga LSIs dahil hindi sapat ang mga quarantine facility sa kanilang bilang.

Punuan na rin aniya ang Ati-atihan County Inn na ginagamit na quarantine facility ng mga frontliners.

Bago ito ay humiling na sila sa mga hotels sa Kalibo na magbigay ng minimum of 20-30 rooms na maaaring gawing pansamantalang quarantine facility habang hindi pa nagagamit ang Tigayon Evacuation Center.