Connect with us

Aklan News

Event consultant sa Boracay, arestado sa pagbebenta ng ‘marijuana’

Published

on

File photo| Reynald Bandiola/Radyo Todo Aklan

Boracay Island – Labin-limang sachet ng hinihinalang marijuana ang nakumpiska sa isang event consultant na subject sa buy-bust operation kaninang madaling araw sa Station 2, Brgy. Balabag, Boracay Island.

Binentahan umano ng suspek na si Paul Carreon Bryan Bravo, 37 anyos, tubong Quezon City ang isang poseur buyer ng 7 sachet ng hinihinalang marijuana na nagkakahalaga ng P3500.

Narekober pa sa posisyon ng suspek ang karagdagang 8 sachet ng bawal na gamot sa isinagawang body search.

Pag-aamin ng suspek, binibili niya ang mga marijuana sa pamamagitan ng online at ipinapadala sa kanya ito sa pamamagitan ng JRS.

Gayunpaman itinangggi nito na nagbebenta siya ng bawal na gamot dahil ginagamit niya lang umano ito bilang gamot ng kanyang sakit.

Inihahanda na ang mga kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na isasampa laban sa naarestong suspek, sabi ng pulisya.

Ikinasa ang buy-bust operation ng pinagsanib na puwersa ng Boracay PNP at Philippine Drug Enforcement Unit.