Connect with us

Aklan News

Fast food chain inararo ng SUV; tatlo sugatan

Published

on

Inararo ng isang Mercedes-Benz ang loob ng Mc Donalds sa bahagi ng Roxas Avenue Kalibo matapos mawalan ng kontrol sa pagmamaneho ang driver nito na ikinasugat ng tatlong customer, umaga nitong Biyernes.

Kinilala ang drayber ng naturang sasakyan na si Dante Jamoralin, 60-taong gulang at residente ng Poblacion, Banga, Aklan.

Batay sa imbestigasyon ng Kalibo PNP, magpa-park na sana si Jamoralin sa labas ng nasabing establisiyemento subalit aksidente umano nitong naapakan ang silinyador ng kanyang sasakyan dahilan na dumiretso ito sa loob at nabundol ang mga kumakain na customer.

Dahil dito ay bumangga at tumagos ito sa glass panel ng naturang fastfood chain at aksidenting nabundol nito ang mga dine-in customers.

Isinugod naman kaagad sa isang pribadong ospital ang mga biktimang sina Roy Fulgencio, 61-anyos ng Poblacion, Kalibo at Dante Nabiong,61-anyos ng Barangay New Buswang, Kalibo samantala confne naman sa Dr. Rafael S. Tumbokon Memorial Hospital (DRSTMH) si Armolina Mondejar, 36, at residente ng Brgy. Gibon, Nabas.

Samantala, maswerteng minor injury lamang ang tinamo ng estudyanteng si Salve Mae Sualog matapos tumilapon hanggang sa CR ng establisyemento dala ng impact ng pagbangga ng sasakyan.

Tumanggi naman itong magpadala sa ospital kung kaya’t nilapatan na lamang ng paunang lunas ang kanyang tinamong sugat sa paa.

Kwento ng estudyante na kakain sana sila mula sa Simbang Gabi ngunit nabigla na lamang siya sa nangyari.

Wala na rin naman umano siyang balak na magsampa ng kaso laban sa drayber ng sasakyan.

Sa ngayon ay hinihintay pa ng Kalibo PNP ang panig ng tatlo pang biktimang nasa ospital kung sila ba ay may balak na maghabla ng kaso laban sa drayber.