Connect with us

Aklan News

Fb account ng magkakapatid hinack; hacker nanghingi ng pera, 21 katao nabiktima

Published

on

DUMULOG sa Kalibo Municipal Police station ang isang social worker matapos ma-hack ang kanyang facebook account at ng kanyang kapatid.

Ginamit umano ito ng hacker upang manghingi ng pera sa kanilang mga kaibigan at kaanak sa facebook.

Kinilala ang biktima na si shiela basio y estandarte, 48-anyos, residente ng Estancia, Iloilo ngunit kasalukuyang naninirahan sa goding ramos street, poblacion, kalibo.

Sa salaysay ni Basio nitong biyernes, nauna umanong na-hack ang account ng kanyang kapatid.

Aniya, nakatanggap siya ng mensahe mula sa hacker na nagpakilalang kapatid niya at nagsabing may emergency.

Dahil sa paniwalang kapatid niya ang kausap, agad siyang nagpadala ng ₱750 sa isang gcash account na ibinigay ng hacker.

Matapos ang transaksyon, humingi rin ng one-time password (OTP) ang hacker na ibinigay rin ng biktima.

Ginagamit umano ng hacker ang gcash account na nakapangalan kay Joan Cyrille D. upang magpatuloy sa panloloko at makapanghingi ng pera sa iba pang kaibigan nila sa facebook.

Bagamat narekober na ng kanilang it technician ang kanyang facebook at messenger accounts, napag-alamang blinock ng hacker ang lahat ng nakausap nito.

Tinatayang 21 katao na ang naka-chat ng hacker gamit ang account ni basio, ngunit hindi pa tukoy kung magkano na ang natangay na halaga.

Agad namang ipina-record ng biktima ang insidente sa kalibo mps para sa kaukulang imbestigasyon.