Connect with us

Aklan News

Feature: Capizeña pinamanahan ng Php2-Billion sa Amerika!

Published

on

ROXAS CITY, CAPIZ – Isang Capizeña ang mapalad na pinamahan ng kanyang amo sa Amerika ng $60-M o Php2-Billion! Siya si Gicela Oloroso mula sa bayan ng Sapian sa lalawigang ito.

Ang kanyang amo ay si Huguette Clark, anak ng isang senador, may-ari ng minahan at mula sa isang mayamang pamilya.

Nabatid na noong 2011 namatay si Clark pero bago ito pumanaw nagdesisyon siya na hatiin ang kanyang kayamanan sa kanyang mga nurse kabilang na si Oloroso.

Bagaman galing sa mayamang pamilya si Oloroso sa Capiz bago paman ito naging nurse, malaki parin ang kaniyang pasasalamat sa natanggap niya mula sa mabuti niyang amo.

Nabatid na 22-anyos lang si Oloroso nang magsimulang magtrabaho sa Amerika bilang nurse noong 1972 hanggang maassign ito bilang private nurse ni Clark.

Nagtrabaho si Oloroso sa kanyang amo sa loob ng 20-taon hanggang sa ito ay pumanaw sa edad na 104.

Sa aklat na “Empty Mansion,” ikinuwento ng mga may akda na sina Bill Dedman at Paul Newell Jr. kung paano nagtrabaho sa kanyang amo si Oloroso.

“For many years (Oloroso) worked for Huguette from 8 am to 8 pm, 12 hours a day, seven days a week, 52 weeks a year. She was up and out of the house before children left for school and home close to bedtime.”

Nabatid na pitong mga magagarang bahay ang natanggap ng butihing nurse sa kanyang amo. Pinag-aral din ang kanyang tatlong mga anak sa mga pribadong paaralan.

Si Oloroso ay nakapangasawa ng isang Israeli at kilala na ngayon sa kanyang Jewish name na Hadassah Peri.