Aklan News
Filing ng COC ng mga provincial candidates gagawin sa ACC campus – Comelec Aklan


Sa halip na sa punong-tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) Aklan, gagawin sa Covered Court/Gym ng Aklan Catholic College, Mabasa Campus, Andagao Kalibo ang pagsusumite ng certificates of candidacy (COC) ng mga tatakbong provincial candidates sa darating na halalan sa Mayo 2022.
Batay sa Comelec Aklan, hindi angkop ang opisina ng Provincial Election Supervisor sa filing at reception ng COCs dahil kailangan ikunsidera ang minimum public health standards.
Kailangan ng sapat na espasyo at bentilasyon para sa mga tatakbong representante ng East at West District, Provincial Governor, Vice Governor, mga miyebro ng Sangguniang Panlalawigan, media, watcher at emleyado ng Comelec.
Bahagi ito ng pag-iingat na magkaroon ng hawahan ng COVID-19 sa pagsampa ng COCs ng mga kandidato.
Nakatakda ang pagsusumite ng COCs mula Oktubre 1-8 mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon, habang ang ‘campaign period ay Pebrero 8-Mayo 7, 2022.