Connect with us

Aklan News

FISH VENDOR, BALIK KULUNGAN MATAPOS MAHULI SA ISINAGAWANG BUY BUST OPERATION.

Published

on

Tapaz, Capiz – Arestado ang isang fish vendor sa isinagawang buy bust operation sa magkasanib na pwersa ng Tapaz MPS Station Drug Enforcement Team (SDET) na pinangunahan ni PCAPT Bryant F Fallera kasama ang Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) na pinangunahan ni PLTCOL Julius Balano sa Brgy. Switch Tapaz, Capiz.

Nakilala ang suspek sa kay Franklin Aguirre Y Ledesma, 56 taong gulang, at residente ng Brgy. Switch Tapaz, Capiz.

Nakuha mula kay Aguirre ang apat na sachet na  pinaghihinalaang shabu, P1,000 buy bust money at isang cellphone.

Noong 2014 nahuli si Aguirre ng PDEA at walong buwan pa lamang  itong nakalaya dahil sa pag-avail ng Plea Bargaining Agreement.

Nasa kustodiya  na ng Tapaz MPS at nahaharap ngayon ang  suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.