Connect with us

Aklan News

FOKTODAI may sagot kaugnay sa reklamo ng mga estudyante sa mataas na singil sa pasahe sa traysikel

Published

on

Kasunod ng muling pagbabalik ng face-toface classes ang pag-aray naman ng mga estudyante sa mataas na presyo ng pamasahe.

Pero ayon kay Federation of Kalibo Tricycle Operators and Drivers Association Inc. (FOKTODAI) President Johnny Damian, hindi naman basta-basta makapagpapatupad ng umento sa pamasahe sa mga traysikel.

Sa panayam ng Radyo Todo, sinabi niya na kailangan pa nitong dumaan sa proseso at hindi agad-agad na babawasan.

“Ro parte ngaron sa isyu it pamasahe hay indi pa gid man naton mahambae nga abi hay automatic hay buhinan eagi naton kasi may mga proseso man ron nga ginaagyan,” saad niya.

Mayroon umano silang napagkasunduan sa Sangguniang Bayan na gawing flexible ang ppamasahe habang may pandemya.

Hindi rin daw kasi patas sa kanila kung bababaan ang pamasahe habang ang presyo ng gasolina ay mahal pa rin at gayundin ang presyo ng mga pangunahing bilihin.

“Bukon man abi it fair nga magpinanaba eata kami it pamasahe then ro aton nga presyo it krudo/gasolina sa market hay kamahae-mahae tana, umpisa abi pagtaas it presyo it gasolina, tanan nga baeak-eon hay nagtaas gid-a,” pahayag niya.

Tungkol sa naman sa diskwento, handa naman raw silang magbigay ng discount sa mga estudyante basta magpakita lang sila ng ID na nagpapatunay na sila ay nag-aaral.

Handa naman sila at naghihintay na lang na ipatawag ng Sangguniang Bayan para mapag-usapan ang paggawa ng bagong taripa.