Connect with us

Aklan News

FOREIGN TOURIST NA BUMISITA SA ISLA NG BORACAY, PUMALO NA SA 498

Published

on

PUMALO NA sa 498 ang bilang ng mga foreign nationals sa isla ng Boracay simula Marso 1 hanggang 11 ng taong kasalukuyan.

Ayon kay Malay Tourism Officer Felix Delos Santos, dumarami na ang mga nagbabakasyon sa isla kung saan nakapagtala na sila ng 59, 109 tourist arrival.

Umaabot na ayon kay Delos Santos ng apat hanggang limang libo tourist arrival ang kanilang naitatala sa loob ng isang araw.

Sa nasabing numero, 30 hanggang 60 dito ay mga foreign tourist na nagtutungo sa isla at karamihan ay mga nagmumula sa mga bansang cold countries.

Aniya pa, ang naturang bilang ay hindi katumbas noong mga nagdaang taon para sa kaparehong season subalit malaking bagay na ito para sa turismo ng Boracay simula nang padapain ng COVID-19 pandemic.

Umaasa naman ang Malay Tourism Office na mas madaragdagan pa ang nasabing bilang lalo na ngayon summer season.

Sa kabilang banda, isa sa mga nakikitang dahilan ni Delos Santos kung bakit mababa pa rin ang numero nga mga foreign tourist na nagtutungo sa isla ng Boracay aqy dahil sa ilang mga travel restrictions at requirement na kailangan.