Connect with us

Aklan News

FORMER BM RODSON MAYOR, INENDORSO SI RAMOS MATAPOS UMATRAS SA PAGKANDIDATO BILANG KONGRESISTA SA UNANG DISTRITO NG AKLAN

Published

on

Umatras na si former board member Rodson Mayor sa pagtakbo sa pagka-kongresista sa unang distrito ng Aklan sa May 9 elections.

Nagsadya siya kahapon sa opisina ng Commission on Elections (Comelec) Aklan para magsumite ng kaniyang notarized statement of withdrawal.

Sa panayam ng Radyo Todo kay Mayor, sinabi niya na umatras siya sa pagtakbo para bigyang-daan ang kandidatura ni mayor Rodel Ramos sa pagka-kongresista.

“I am endorsing and appealing to the Aklanon nga indi eon mag usoy it problema, suportahan nyo si Rodel for congressman of Aklan.”

Ayon naman sa kanyang anak na si Atty Rodson Quimpo Mayor Jr., ilang beses nilang kinumbinsi at nilambing ang kanilang ama na umatras dahil na rin sa kanyang edad hanggang sa nagdesisyon na ito na magfile ng statement of withdrawal kahapon.

Kaugnay nito, kinumpirma na rin ng Commission on Elections (Comelec) Aklan ang pag-withdraw ni Mayor.

Si Mayor ay nagsilbing Sangguniang Panlalawigan member ng Aklan mula 2007 hanggang 2016.