Connect with us

Aklan News

Front desk officer sa Boracay, tinangkang halayin ng Koreano

Published

on

Photo courtesy| http://pilipinomirror.com

Tinangkang halayin ng Korean national ang isang front desk officer sa isang hotel sa Brgy. Balabag, Boracay, alas 3:00 ng madaling araw kahapon.

Inireklamo ng 21 anyos na biktima ang suspek na si Lee Sangbong, 37 anyos residente ng South Korea.

Base sa salaysay ng biktima, nag-check in umano ang suspek sa hotel at inihatid nya ito sa kwarto kasama ang mga gamit nito.

Nang nasa loob na umano sila bigla siyang itinulak ng suspek at puwersahang hinubad ang sout niyang polo shirt at hinawakan ang maselang parte ng kanyang katawan.

Pumiglas umano siya sabay sigaw para humingi ng tulong.

Sinipa niya umano ang suspek at tumakbo palabas ng kwarto.

Humingi ng tulong ang biktima sa kanyang amo habang sinisigawan siya ng suspek na napag-alamang sa impluwensya ito ng alak.

At dahil sa takot umano ng biktima at amo nito, nakatakas ang suspek at ngayon ay patuloy na pinaghahanap ng mga otoridad.