Connect with us

Aklan News

FULL IMPLEMENTATION NG PROVINCIAL ROAD SAFETY ORDINANCE SA SUSUNOD NA TAON PA

Published

on

File Photo| Diadem Paderes/Radyo Todo Aklan

Asahang sa susunod na taon pa magkakaroon ng full implementation ng Provincial Road Safety Ordinance sa probinsiya ng Aklan.

Ayon kay Board Member Nemesio Neron ito ay dahil sa nakapaloob ang budget ng nasabing ordinansa sa 2022 Annual Budget .

Sa pamamagitan ng provincial road safety ordinance ay mabibigyan ng proteksyon ang mga motorista at kung paano maiiwasan ang mga aksidenteng nangyayari araw-araw sa mga national highway.

Pahayag pa ni Neron, kung hindi man tuluyang matigil ang mga road accidents sa Aklan ay sisikapin nilang ma-minimize na lamang ito.

Dagdag pa nito na kadalasan ang problema ay ang pagiging iresponsable ng ibang mga motorista kung saan hindi sumusunod sa simpleng road signs o warnings gayundin na mahilig magmaneho kahit lasing na.

Saklaw din ng naturang ordinansa ang paglalagay nila ng mga road warnings, at signages.

Samantala sinabi ni SP Member Neron na mayroong task force na tututok sa implementasyon ng nasabing ordinansa sa oras na ito ay ipapatupad.

Sa kabalilang banda, pina-alalahanan ni Neron ang mga motorista na maging responsible at maingat pagdating sa kalsada dahil hindi lamang sila ang nagiging kawawa kundi ang kanilang mga pamilya at ang posibleng magiging mga biktima ng mga ito.