Aklan News
FULLY VACCINATED AKLANON WORKERS EXEMPTED SA ANTIGEN TEST KUNG BABALIK SA ISLA NG BORACAY
Exempted na sa Antigen test ang mga manggagawang Aklanon na fully vaccinated na kung babalik sa isla ng Boracay.
Ito ang kinumpirma ni Malay Mayor Frolibar Bautista sa panayam ng Radyo Todo.
Paliwanag ng alkalde na layunin lamang umano ng LGU Malay na maproteksyunan ang bawat isa sa nakakahawang virus kung kayat nirequire nila ang antigen test para sa mga Aklanon workers sa isla.
Dagdag pa ni Mayor Bautista na pinapayagan din nila na makapasok sa isla ng Boracay ang mga Aklanon workers na babalik para sa kanilang second dose.
Kinakailangan lang aniya na ipakita ang kanilang vaccination card na nakapag first dose na ang mga ito.
Matatandaang umani ng mga negatibong komento mula sa mga netizens ang pagpapatupad ng LGU Malay ng antigen test requirement sa mga Aklanon workers na tatawid sa Boracay kung lampas 12 oras silang mamalagi sa Mainland Aklan base sa Executive Order No.031 ng munisipyo ng Malay.