Aklan News
FULLY VACCINATED NA AKLANONS, NASA MAHIGIT 20K PA LAMANG
Patuloy pa rin ngayon ang mga vaccination roll-out sa mga Local Government Units (LGUs) gamit ang Gamaleya Sputnik V vaccine ayon kay Aklan Provincial Health Officer Dr. Cornelio Cuachon.
Batay raw sa datos ng National COVID-19 Vaccination Operations Center, nasa 35, 606 o 8.9% ang nakatanggap ng first dose ng bakuna sa Aklan at nasa 20, 494 o 5.14% naman ang mga fully vaccinated.
Kahapon lang, dumating sa probinsya ang 3,000 vials (15,000 doses) ng bakunang Janssen COVID-19 na gawa ng Johnson & Johnson sa Kalibo International Airport.
Bukod rito, may natanggap na 1,100 vials (11,000 doses) ng bakunang AstraZeneca ang lalawigan noong Hulyo 14, 2021.
Umaasa si Cuachon na marami pang bakuna ang matatanggap ng Aklan kabilang na ang Pfizer at Moderna dahil ito aniya ang bakuna na kailangan ng ilang OFW.
“Ginaremind gid naton ro publiko sa aton nga sitwasyon makaron nga very alarming and dapat malimitahan gid naton ro mga unnecessary travels naton kun bukon gid man it importante,” pagpapaalala pa nito.