Aklan News
FULLY VACCINATED SA AKLAN UMABOT NA SA MAHIGIT 32K
Pumalo na sa tatlumpu’t dalawang libo ang mga fully vaccinated sa probinsya ng Aklan.
Sa panayam ng Radyo Todo kay Provincial Health Officer Dr. Cornelio Cuachon, umabot na sa 32,762 o 8.21 percent sa kabuuang 389k target na populasyon sa buong lalawigan as of August 15,2021.
Samantala sumampa naman sa 77,326 o 19.39 percent ang naka first dose na sa bakuna.
Naniniwala si Cuachon na hindi nila maaabot ang 70 percent vaccination turn out sa mga mamamayan hanggang matapos ang taon dahil sa kakulangan ng bakuna na natatanggap ng probinsya.
Panawagan pa ni Cuachon na kung may dadating man na bakuna sa Aklan hindi na dapat mamili ng brand ang mga tao para hindi na lumala pa ang sakit na Covid-19.
Continue Reading