Aklan News
GAMING ACTIVITIES SA ILALIM NG PCSO-AKLAN, BALIK-OPERASYON NA!
Balik-operasyon na ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PSCO) at iba pang authorized agents nito na nagbebenta ng lotto tickets, keno, Scratch-it at Small Town Lottery Tickets o STL sa ilalim na ipinapatupad na General Community Quarantine o GCQ sa buong probinsiya ng Aklan.
Ayon kay PCSO-Aklan Director Mr. John Martin Felimon Alipao ito ay epektibo ngayong araw ng Huwebes, Setyembre 16, base sa ipinalabas na amendment ng Executive Order ni Aklan Governor Florencio Miraflores kung saan pinapayagan ang operasyon ng naturang ahensiya.
Dagdag pa ni Alipao na puwede na muling makapaglaro ang mga Aklanon ng mga PCSO games.
Samantala, nakasaad rin sa naturang EO na mahigpit pa rin na ipinagbabawal ang cenimas, amusement parks at theme parks.
Bawal din ang casino at iba pang gaming establishment.