Connect with us

Aklan News

GAMOT PARA SA HIGH BLOOD AT DIABETES, MAGIGING LIBRE SA BAYAN NG TANGALAN

Published

on

Photo Courtesy| Vice Mayor Gene Fuentes Facebook Account

MAGIGING libre na ang gamot para sakit na high blood at diabetes sa bayan Tangalan.

Ito ay matapos aprubahan sa ikalawang pagbasa ng Sangguniang Bayan ang municipal ordinance no. 2022-185 na naglalayong mabigyan ng libreng maintenance na gamot ang mga residente ng Tangalan para sa high blood at diabetes na sakit.

Napag-alaman na ang pondo na gagamitin para sa pagbibigay ng mga libreng gamot ay magmumula sa Office of the Mayor.

Ang mga gamot para sa high blood na magiging available ay Amplodipine, Losartan, Metoprolol, Metoprolol Tartrate, at Simvastatin samantala magiging accessible naman para sa mga may sakit na diabetes ang gamot na Metformin.

Bibigyan naman ng Municipal Health Office (MHO) ng blue medical card ang bawat residente upang ma-avail ang nasabing free maintenance medicine gayundin na isasailalim ang mga ito sa regular check-up.

Ang naturang ordinansa ay akda ni Vice Mayor Gene Fuentes at nakatakdang i-endorso para sa ikatlo at huling pagbasa sa susunod na regular session ng Sangguniang Bayan ng Tangalan.