Connect with us

Aklan News

GASOLINAHAN, NINAKAWAN NG HALOS KALAHATING MILYONG PERA

Published

on

Halos kalahating milyong piso na kita ang tinangay ng mga kawatan sa isang gasolinahan sa Banga.

Bagama’t nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga pulis, nagpa-unlak naman sa panayam ng Radyo Todo ang may-ari ng nasabing gasolinahan.

Ayon sa kanya, kaagad nagsumbong sa kanya ang naka tokang sales girl, na bukas na ang dalawang pintuan ng kanilang pinaka opisina, at sira na ang vault na nilalagyan nito ng kanilang kita.

Subali’t palaisipan pa umano sila kung paano nakapasok ang mga salarin, gayung wala namang palatandaan ng forcible entry dahil wala namang sira ang screen door at main door nito.

Swerte na lamang umano at nakapag deposit siya ng kanilang kita kahapon na nasa P700, 000.00, habang naiwan doon ang P400,000.00.

Samantala, lubos naman ang paniniwala ng biktima na ang mga dating tauhan nito na sinesante ang salarin sa nasabing pagnanakaw.

Aminado naman ang biktima na kumpiyansa umano ito na walang magnanakaw sa kanyang gasolinahan, kung kaya’t mas minarapat nito hindi na iuwi sa kanilang bahay ang kita ng kanyang gas station, at doon na lamang itago sa kanilang vault sa opisina.

Samantala, nabatid na may cctv naman ang kanilang gasolinahan, subali’t ninakaw din umano ng mga suspek ang memory card nito.