Aklan News
Gasoline boy, nabundol ng humaharurot na motor habang tumatawid ng kalsada
Confined ngayon sa ICU ng Aklan Provincial Hospital ang isang gasoline boy na nabundol ng humaharurot na motor habang tumatawid ng kalsada.
Kinilala ang biktimang si Reymark Tropa, 25 anyos na nagtatrabaho sa isang gasolinahan sa Mantiguib.
Batay sa ulat, tumawid ng kalsada ang biktima para sana bumili ng bottled water sa kalapit na tindahan.
Pero biglang sumulpot ang humaharurot na motorsiklo at direktang nabangga ang biktima.
Dinala sa ospital si Tropa matapos na magtamo ng mga matinding pinsala sa katawan.
Gayundin ang drayber ng motorsiklo na nakabangga sa kanya.
Continue Reading