Connect with us

Aklan News

GIANT CHRISTMAS TREE NG KALIBO, INILAWAN NA

Published

on

Dinagsa ng libo-libong tao galing sa ibat-ibang munisipyo ang pormal na pag-ilaw ng “Iwag it Kalibonhon Para sa Mahayag nga Paea-abuton” pasado alas 6 ngayong gabi sa Kalibo Pastrana Park.

Pinangunahan ni Kalibo Mayor Emerson Lachica ang pag switch on ng ilaw kasama sina 1st Dist. Cong. Carlito Marquez, provincial board members at Kalibo SB members ang pag-ilaw ng 72 feet o giant christmas tree. Mas mataas ito ng 10 feet kumpara sa christmas tree noong nakaraang taong 2018.

Kasabay din na inilawan ang mga punong hitik sa christmas lights na nakapalibot sa pastrana park.

Nagkaroon din ng firworks display na nagtagal halos 10 minuto.

Pinakulay pa ang programa ng mga parol na kasali sa Parol Making Contest na sinalihan ng mga eskwelahan, brgy councils, at mga pribadong indibidwal.

Samantala, isa sa mga programa ng munisipyo ngayong kapaskuhan ang “Santa sa Plasa” kung saan mamimigay ito ng mga regalo sa mga bata na magsisimula Dec. 16 hanggang Jan. 6, 2020.