Aklan News
GINANG NATAGPUANG PATAY SA LOOB NG KANYANG BAHAY
Patay na nang matagpuan pasado alas 2:00 kaninang hapon ang isang ginang sa Poblacion, Makato.
Bagama’t hindi na pinangalanan, kinumpirma naman ng Makato PNP na walang foul play sa pagkamatay ng 59 anyos na ginang, residente ng nasabing lugar.
Base report ng pulis, 2 batang lalaki ang nagreport sa kanila kaugnay ng mabahong amoy na pinausisa sa kanila kagabi pa.
Kasunod nito, kaagad nag-imbistiga ang Makato PNP, at doon nga nakita ang ginang na nakahiga pang may kumot sa loob ng kulambo.
Wala namang nakitang bakas ng anumang karahasan sa loob, maliban sa nangingitim nang katawan.
Kaagad ding dinala sa punerarya ang labi ng ginang, na pinaniniwalaang 3 araw nang binawian ng buhay dahil sa kanyang high blood.
Nabatid na mag-isa na lamang na namumuhay sa kanyang bahay ang ginang.