Connect with us

Aklan News

Ginang, tinaga ng mentally challenged na kuya

Published

on

PHOTO: 1st Aklan Police Mobile Force Company

Sugatan ang isang 38 anyos na ginang matapos tagain ng kanyang kapatid nitong Sabado sa Brgy. Loctuga, Libacao.

Batay sa ulat, magkasama ang biktima at kanyang 43 anyos na kapatid na may diperensya sa pag-iisip sa loob ng kanilang bahay.

Nagkaroon ang mga ito ng hindi pagkakaintindihan hanggang sa kumuha ng itak ang suspek at hinabol ang biktima.

Nang maabutan, tinaga ng suspek ang nakababatang kapatida sa may kanang balikat.

Nirespondihan ang mga ito ng 1st Aklan Police Mobile Force Company at dinala ang biktima sa Libacao District Hospital bago inilipat sa Aklan Provincial Hospital.

Wala naman umanong balak na magsampa ng kaso ang pamilya dahil bukod sa mentally challenged ang suspek ay wala itong pandinig at hindi rin nakakapagsalita.