Connect with us

Aklan News

“GINAPATAEANG NA RO PUMUEOYONG KALIBONHON”: LACHICA KAY VICE GOV. HINGGIL SA PAG-UTANG NG LGU

Published

on

Mali at nililinlang lamang ni Vice Governor Atty. Boy Quimpo ang mga Kalibonhon.

Ito ang sagot ni Kalibo Emerson Lachica pakontra sa pahayag ni VG Quimpo na bakit kailangan pang umutang ng lokal na gobyerno ng Kalibo para sa pagpapagawa ng Kalibo Public Market kung saan marami naman umanong pondo para dito.

Ayon sa alkalde, nagkamali umano ang bise-gobernador at nililinlang ang isipan ng mga Kalibonhon dahil ang katotohanan ay ang nasabing pag-utang ng munisipyo ay napagkasunduan ng Sangguniang Bayan at ng kaniyang opisina.

“…dikaron nagsaea ro aton nga vice governor nga ginapataeang na ro pumueoyong Kalibonhon, actually daya hay ginkasugtanan ta it sangguniang bayan ag sa aton nga local chief executive”, pahayag ni Lachica.

Aniya, nagsagawa sila ng pagpupulong kasama ang ehekutibo at lehislatibo at napagkasunduan nilang mag-loan para sa pagpapagawa ng bagong mukha ng Kalibo Public Market at kinatigan naman ito ng Sangguniang Bayan.

“Bilang mayor ako, hay ginkasugtanan ta namon during sa amon nga pag-conduct it executive-legislative agenda nga maga-loan kami ag duyon hay may authority maghalin sa sangguniang bayan”, dagdag pa ng alkalde.

Binigyan-diin pa ni Lachica na walang rason ang bise-gobernador na maki-alam sa kung anong ginagawa ng LGU-Kalibo.

“…so owa ta imaw it rason karon nga magpaki-alam kung ano ta gina-ubra it Local Government Unit it Kalibo”, diin ni Lachica.

Kaugnay nito, sinabi ni Mayor Lachica na masasayang lang ang P70-Million pesos na pondo kung isasaayos lamang ang merkado ng Kalibo at hindi gagawa ng bago dahil ganun parin aniya ang magiging itsura nito kung saan wala kahit parking area man lang.

“…so with regards sa duyon nga tindahan, kanugon baea nga ipaubra naton dato nga P70-million nga gina-guba man naton duyon nga public market. Dahil kung ipaubra abi naton, granting nga i-repair naton, imaw man gihapon ro estado it market, owa it parking area”, saad ng alkalde.

Ang magiging kalabasan nito ay wala ng pupunta sa public market dahil magdadalawang-isip ang sinuman dahil sa takot na maaring matikitan dahil sa walang parking area dito.

“… ag ro maguwa karon hay owa it may gaadto sa atong tindahan, kung gaadto ka hay gaisaea-daywa ka basi tikitan ikaw ay owa it parkingan una”, dagdag pa ng opisyal.

Ang malaking tanong na bumabagabag ngayon sa isipan ng punong ehekutibo ay kung bakit ayaw silang payagan na bilhin ang lupa para sa relocation site habang ginagawa ang bagong public market.