Connect with us

Aklan News

‘Ginsamad mo ro imahe it sangunian’ – VM Alfonso Gubatina kay SB Member Jessie Tumaca ng Madalag

Published

on

Nagpahayag na kanyang pagkadismaya si Madalag Vice Mayor Alfonso Gubatina kay SB Member Jessie Tumaca sa isinagawang session kahapon.

Nag ugat ang nasabing problema matapos pumirma ni SB Tumaca bilang representante ng sanggunian bilang Committee Chairperson sa Land Use and Zoning.

Napag-alaman na wala pang komitiba na bumubuo ng Land use and Zoning sa Sangguniang Bayan ng Madalag.

Kaya nagtaka si Vice Mayor Gubatina na naging parte si SB Tumaca sa binuong Local Zoning Board of Appeals.

Dito rin nadiskubre na noong Pebrero 8 taong kasalukuyan lamang nagpadala ng sulat si Mayor Rex Gubatina sa Sangguniang Bayan na humihiling  na gumawa ng komitiba sa land use and zoning.

Pero January 4, 2023 ay gumawa ng Executive Order si Mayor Rex Gubatina ng  nasabing komposisyon at kasama  dito si SB Tumaca at noong January 13, 2023 ay pumirma si SB Tumaca sa ginawang board Resolution bilang kinatawan ng Committee on Land Use and Zoning.

Ani Vice Mayor Gubatina, dapat din na ipinaalam muna ito sa Legislative body bilang respeto din sa kanilang hanay bago gumawa ng hakbang para hindi masira ang kanilang imahe.

Aminado naman si SB Tumaca sa kanyang ginawa.

Ipinatawag rin si Engr. Edna Cometa ng Municipal Planning and Development Council  sa session dahil kasama rin ito sa binuong Local Zoning Board bilang secreariat at aminado naman ito sa kanilang pagkukulang.

Ayon kay Vice Mayor Gubatina ay madali naman syang kausapin at hindi naman sya tumututol sa ano mang plano ng ehekutibo kung para lamang ito sa ikauunlad ng bayan ng Madalag.