Aklan News
GM ENGR. ALEXIS REGALADO, NAIS NANG MAGRETIRO SA AKELCO
Pagkatapos ng mahigit tatlumpong (30) taong panenerbisyo, nagdesisyon si General manager Engr. Alexis Maypa Regalado na magretiro sa Aklan Electric Cooperative (AKELCO).
Kinumpirma ni Atty. Ariel Gepty, Board of Director ng AKELCO sa panayam ng Radyo Todo na nagpasa na kahapon ng letter of intent si Regalado para maka-avail ng kanyang early retirement.
Nakalagay aniya sa sulat nito na ‘effective immediately’ ang kanyang retirement at nagbigay na rin ito ng kanyang farewell speech sa mga empleyado ng AKELCO kahapon.
Ayon kay Gepty, bago ito ay nag leave muna ng isang linggo si Regalado. Ngunit pagbalik nito kahapon ay dala na niya ang kanyang sulat kung saan nakasaad ang nais na magretiro.
Nilinaw ni Gepty na walang anumang reklamo o formal complaint na ipinasa sa kanila laban kay Regalado.
Sa ngayon ay magsisilbi muna bilang OIC ng AKELCO si Josephine Inac habang nagsasagawa pa ng deliberasyon ang AKELCO Board of Directors (BOD). Nakatakda na rin silang magpulong sa darating na Biyernes ukol dito.
Si Regalado ay umupo bilang GM ng AKELCO noong June 1, 2016. Na-appoint ito ng BOD noong May 6, 2016 bilang regular general manager na aprubado rin ng NEA.