Connect with us

Aklan News

‘Gobyerno sa Baryo’ Program, ibabalik ng Aklan Prov’l Gov’t

Published

on

Ibabalik ng Aklan Provincial Government ang ‘Gobyerno Sa Baryo’ (GSB) Program.

Nitong Agosto a-9 ay nagsagawa ng pagpupulong ang mga Provincial Governor’s Office – Special Projects Division upang mapag-usapan ang planong pagbalik ng Gobyerno Sa Baryo Program ngayong taon.

Ang ilan sa mga napag-usapan ay tungkol sa mga serbisyong ibibigay, target na barangay at mga benepisyaryo, mga empleyado na sasama sa nasabing programa at iba pang logistics na kailangan.

Dagdag pa dito ay sisiguraduhin pa rin ng lokal na pamahalaan ng Aklan na masusunod ang minimum health protocols.

Matatandaan na ang ‘Gobyerno Sa Baryo’ Program ay isa sa mga prayoridad na programa ni dating Gobernador Florencio “Joeben” Miraflores.

Sa pamamagitan kasi nito, direktang naipaabot sa mga Aklanon ang serbisyong medikal, dental, sosyal, agrikultural, legal, at iba pang mga serbisyo.

Ngunit natigil lamang ito noong tumama ang COVID-19 pandemic.